-- Advertisements --

Aabot sa 12 katao ang nasawi sa Vietnam dahil sa pananalasa ng bagyong Bualoi o bagyong Opong na dumaan sa Pilipinas.

Nitong umaga ng Lunes ng maglandfall ang bagyo at nagdala ng malalakas na pag-ulan at hangin.

Nagkaroon din ng storm surge kung saan umabot pa sa 26 talampakan ang taas ng alon.

Mayroong pang naitalang 17 iba pa ang nawawala na pawang mga mangingisda.

Maraming kabahayan din ang nasira sa Hue City, Thanh Hoa at sa probinsiya ng Ninh Binh.

Halos 350,000 na mga residente ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa nasabing bagyo.

Magugunitang nagdulot ng malaking pinsala din ang bagyong Opong sa bahagi ng Bicol Region at sa Eastern Visayas noong nakaraang linggo.