Berlin Marathon
Berlin Marathon / Dingdong Dantes IG post

Lumahok ang ilang local celebrities sa Berlin Marathon ngayong taon.

Kinabibilangan ito nina Dingdong Dantes, Kim Atienza at Tim Yap.

Sa kanila-kanilang mga social media account ay nag-post sila ng mga larawan na magkakasama.

Sinabi ni Dantes na mahigit apat na buwan itong nagsanay para sa paglahok sa nasabing Berlin Marathon.

Habang si Yap ay inialay ang pag-takbo sa mga beneficiaries ng Smile Train Philippines.