-- Advertisements --

Nagresulta sa malawakang sunog matapos ang pagbagsak ng isang business jet sa kabahayan sa San Diego.

Hindi bababa sa 15 kabahayan ang nasunog kung saan may ilang mga residente ang pinalikas.

Sinabi ni assistant Fire Department Chief Dan Eddy, nagkalat ang jet fuel sa lugar kung saan ang prioridad nila ay pagpalikas sa mga residente.

Dagdag pa nito na direktang tumama ang eroplano sa mga kabahayan ng Murphy Canyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na isang Cessna 550 plane na tinatawag na Citation ang bumagsak sa Montgomery Executive Airport.

Ang nasabing private jet ay madalas na naglalaman ng anim hanggang walong taon.

Nagtutulungan na ang National Transportation Safety Board (NTSB) at Federal Aviation Administration (FAA) sa imbestigasyon sa insidente.