-- Advertisements --

NEW YORK – Dalawang piloto ang nasawi matapos bumangga ang isang Air Canada Express na eroplano sa isang fire truck sa runway ng LaGuardia Airport sa New York nitong gabi ng Marso 22, 2026.

Ang insidente ay naganap habang papalapag ang Flight AC8646 mula Montreal, na pinatatakbo ng Jazz Aviation, bandang alas-11:40 ng gabi.

Sakay ng eroplano ang 72 pasahero at apat na crew na lahat ay nakaligtas, bagaman ilan ay nagtamo ng minor injuries.

Agad na isinara ang paliparan at naglabas ng ground stop ang Federal Aviation Administration (FAA), na nagresulta sa pagkansela o pag-divert ng mahigit 500 flights patungo sa JFK at Newark airports.

Lubhang napinsala ang cockpit ng eroplano, habang iniimbestigahan ng FAA at National Transportation Safety Board (NTSB) kung bakit naroon ang fire truck sa runway sa oras ng paglapag.

Ang trahedya ay nagdulot ng malaking abala sa libo-libong pasahero at itinuturing na isa sa pinakamalalang insidente sa LaGuardia sa mga nakaraang taon.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung operational error, miscommunication, o iba pang salik ang sanhi ng banggaan.