-- Advertisements --
Isa sa tatlong nasawi sa pag-atake ng dalawang menor de edad na armadong salarin sa Islamic Centre of San Diego ay isang kilalang security guard na mabilis kumilos upang maiwasan ang mas marami pang pagkamatay, ayon sa awtoridad.
Kinilala ang biktima na si Amin Abdullah na kilala sa kanyang palangiti na attitude sa mga dumadating sa mosque gamit ang tradisyonal na Muslim greeting na as-salamu alaikum o “peace be upon you.”
Bagaman hindi pa opisyal na inilalabas ang mga pangalan ng tatlong biktima, isang kaibigan ng pamilya na nagsabing gusto niyang ipagtanggol ang mga inosente kaya nagpasya siyang maging security guard.
“He wanted to defend the innocent so he decided to become a security guard,” pahayag ni Shaykh Uthman Ibn Farooq.
















