Ilang mga indibidwal ang naitalang nasugatan matapos bumangga ang isang SUV sa railings ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa maay bahagi ng departure area kaninang umaga.
Sa kasdalukuyan secured na ang nasabing lugar subalit limitado pa rin ang access sa mga authorized personnel mula New NAIA Infra Corp. (NNIC), the Philippine National Police (PNP), at MIAA Security na siyang nagsasagawa ng isang malalimang imbestigasyon.
Kaagad naman binigyan ng paunang panlunas ang mga indibidwal na nasugatan sa insidente.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP ang driver ng nasabing SUV.
Hiling naman ng pamunuan ng NNIC na huwag mag mag speculate kaugnay sa insidente at hintayin ang ulat mula sa mga concerned agencies na nanguna sa imbestigasyon.
” At this time, we are awaiting official confirmation on the cause of the incident and reports of injuries. We are closely coordinating with all concerned agencies to gather accurate information. We understand the concern this incident has caused, especially as images have circulated on social media. We urge the public not to speculate and to wait for verified updates, which will be issued as soon as they become available,” pahayag ng pamunuan ng NNIC.