Pumayag na ang ilang mga hotel sa Lungsod ng Maynila na ipagamit ang ilang kuwarto nila para sa mga healthcare workers na naninirahan sa labas ng lungsod dahil sa community quarantine.

Ang nasabing hakbang ay bilang tugon sa panawagan ni Manila City Mayor Isko Moreno bilang tulong na rin sa mga health workers.

Ayon sa Alkalde maglalaan ng libreng kuwarto ang mga hotels matapos na kausapin niya ang mga ito.

Magugunitang maraming mga health workers gaya ng mga nurses at medical staff ang nahirapan sa pagsakay patungo sa kanilang trabaho dahil sa pahirapan ang pagsakay.