Pinatawan ng lifetime ban ang walong dati at kasalukuyang manlalaro at agents dahil sa pagkakasangkot sa match manipulations.

Kabilang sa mga dito ay sina dating Sierra Leone captain Ibrahim Kargbo at dating Trinidad at Tobago defender Keyeno Thomas.

-- Advertisement --

Pinatawan din ng world football’s governing body sina dating players mula sa Benin, Afghanistan at Cuba ganoon din si Zimbabwean agent Kudzanai Shaba.

Nabigyan naman ng 10-year ban at multa na 13,165 eurso si Kenyan defender George Owino Audi.

Ayon sa FIFA na ilang taon din silang nagsagawa ng imbestigasyon at lumabas sa imbestigasyon ang pagkakasangkot ng mga nabanggit na indibidwal.