Nakatakdang bisitahin ng mga opisyal ng Philippine Basketball Association (PBA) ang ilang mga basketball courts sa Batangas City.

Ito ay bilang gagawing lugar sa ensayo ng mga koponan bilang paghahanda sa pagbubukas ng 46th season ng PBA.

Ilan sa mga lugar na napili ay ang Lyceum of the Philippine-Batangas Gym, Batangas City Coliseum at Batangas State University Gym.

Bukod pa dito ang ilang mga basketball courts sa Ilocos Norte, Clark at Subic na siya namang target ng NLEX Road Warriors sa pamumuno ni coach Yeng Guiao.

Pangungunahan ni PBA commissioner Willie Marcial ang pagbisita sa mga posibleng training center ng mga koponan.

Nauna rito nakipagpulong si Marcial sa ilang opisyal ng Batangas gaya nina Mayor Beverley Dimacuha, Rep. Marvey Marino at Batangas State University president Dr. Tirso Ronquillo.

Sinabi ni Marcial na posible sa buwan ng Hunyo ay sisimulan ang bagong season ng PBA.