Ryan Agoncillo
Ryan Agoncillo/ Judy Ann Santos IG image

Patuloy ang ginagawang pagtulong ng ilang mga artista sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano.

Nagpamahagi ng relief good ang actor na si Dingdong Dantes kasama si Rocco Nacino.

-- Advertisement --

Personal nila itong dinala sa Balayan, Batangas kung saan kapwa nakasuot ng military uniforms bilang isang reservist.

Kakaibang paraan naman ang ginawa ng actress na si Judy Ann Santos-Agoncillo dahil siya mismo ang nagluto ng pagkain na ipinamahagi sa mga biktima ng pagasabog ng bulkang Taal.

Sa kaniyang Instagram account nagpost ito ng larawan ng mga packed foods at tinapay.

May mga tuwalya, mga lumang damit at mga kumot rin aniya mula sa kaniyang kaibigan ang nakatakdang dumating sa Rosario, Batangas.

Ibinahagi rin nito ang larawan ng asawang si Ryan habang binisita ang dalawang evacuation centers.