Ibinulgar ng isang testigo sa ika-siyam ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee ang ilang iligal na gawain ng Pharmally, na siyang pinanggalingan ng mga medical supply na binili ng pamahalaan.
Sa kwento ng testigong lumapit sa tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros, inuutusan umano silang i-repack pa rin ang mga face shield na para sa frontliners, kahit marumi na o may damages.
Maging ang may tatak na expired na ay pinapalitan lamang ng sticker na bago.
Ang utos umano sa kanila ay nagmumula kay Krizle Grace Mago na namamahala sa warehouse ng Pharmally.
Hindi naman ito itinanggi ni Mago nang tanungin ni Sen. Francis Pangilinan.
Pero ayon sa kaniya, iniutos lang din ito ng mas nakatataas na opisyal.
Itinuro naman nito na nagmumula ang mga utos sa treasurer ng kompaniya na si Mohit Dargani.
Pero todo tanggi naman si Dargani, dahil wala raw siyang ganoong utos sa kaniyang tauhan.
Gayunman, hindi na binawi ni Mago ang nauna nitong pahayag.