-- Advertisements --

Patay ang dalawang opisyal ng gobyerno ng Ghana matapos na bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa central Ashanti region.

Kasama sa kabuuang walong katao na nasawi sina Defence Minister Edward Omane Boamah at Environment, Science and Technology Minister Ibrahim Murtala Muhammed.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Ghana Armed Forces na ang helicopter ay may lulan na tatlong crew at limang pasahero at ito ay nawala sa kanilang radar.

Galing ang mga ito sa Accra at patungo sila sa gold-mining sa bayan ng Obuasi para sa isang national event.

Patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon ukol sa nangyaring insidente.