-- Advertisements --
Muling nagdulot ng pagkabahala ang pagkakadiskubre ng mga kabaong sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Isang kabaong ang iniwan malapit sa Chinese Consulate sa Barangay Bel-Air, Makati City.
Isa pa ang natagpuan sa Plaza Sta. Cruz sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa mga awtoridad, ito na ang pang-apat na insidente matapos mamataan din ang mga kahalintulad na kabaong sa Caloocan City, Quezon City, at Makati City.
Sa loob ng mga kabaong, may mga larawan ng ilang Chinese official at communist leader na may nakasulat na katagang “salot” at “greedy.”
Sa ngayon, wala pang grupo o indibidwal na umaako sa pagpapakalat ng mga kabaong. Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang motibo at kung sino ang nasa likod ng serye ng insidenteng ito.
















