KORONADAL CITY – May pangamba pa rin ang ilang mga Filipino sa Estados Unidos kaugnay sa pamamahagi ng covid-19 vaccine sa mga estado.
Ito’y kahit sinimulan na ng pharmaceutical company na Pfizer ang pamamahagi ng naturang bakuna para sa mga Amerikano.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Jelin Dohina Asamoah ng New York at tubong-Tampakan, South Cotabato, sinabi nitong hindi siya magpapabakuna lalo na’t hindi pa nito alam kung ano ang magiging long-term effect nito sa isang indibidwal.
Kailangan rin umano nito ng mas malalim pang pagsaliksik kaugnay sa nasabing gamot laban sa virus.
Ngunit ipinaliwanag nitong hindi naman sapilitan ang pagpapabakuna kung saan may mga waiver na kailangang pirmahan ang isang tao kung saan hindi dapat aniya nila sisisihin ang kumpanya kapag may mangyari sa mga ito dahil hindi nagpabakuna.