-- Advertisements --

Ibinalita ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia na naghahanda na ang ilang bansa na tumanggap ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at iba pang mga dayuhang manggagawa.

Kasabay ito nang pagluluwag ng travel restrictions ng iba’t ibang destination-labor countries tulad ng Middle East.

Ayon kay Olalia, indikasyon na rin ito na magbubukas na ang oportunidad para sa ating mga kababayang OFW na nawalan ng trabaho o di-kaya naman ay umuwi dahil sa coronavirus pandemic.

Kamakailan lamang ay nag-anunsyo na ang Bahrain at Saudi Arabia na muli silang tatanggap ng foreign workets, partikular na ang mga OFWs.

In-demand naman sa Canada at United Kingdom (UK) ang mga healthcare workers tulad ng,ga nurse at doktor.

Tumatanggap na rin ang Cuba ng construction workers.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvester Bello III na 57 percent ng 400,000 OFWs ang natulungan ng pamahalaan upang makauwi ng bansa.