Matapos mabigong magpakita sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga respondent ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera para magbigay sana ng kanilang mga testimonya, ilan naman sa mga ito ay dumalo sa preliminary investigation ng korte sa Makati City.
Kabilang sa mga dumalo sa preliminary investigation ang manager ng hotel na si John Paul Halili na sinasabing kaibigan ni Dacera.
Maging ang mga respondent na sina JP dela Serna, Rommel Galido, Clark Rapinan at Gregorio de Guzman ay dumating din sa pagdinig na isinagawa sa Office of the City Prosecutor ng Makati at ang humahak sa kaso ay si Makati Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan.
Una rito, nagdesisyon noon si Santillan na magkaroon ng preliminary investigation sa kaso dahil may mga isyu umanong kailangang maging klaro para malaman ang partisipasyon at culpability ng bawat respondent sa isyu ng rape at pagpatay kay Dacera.
Para naman sa talapagsalita ng pamilya Dacer na si Atty. Brick Reyes, sinabi nitong naniniwala raw ang pamilya Dacera na mayroong coverup sa mga suspek para mapagtakpan sa isinasagawang imbestigasyon.
Iginigiit pa rin ng mga itong minolestiya si Christine bago ito namatay.