-- Advertisements --
ILOILO CITY – Lubog na sa tubig-baha ang ilang bahagi ng mga coastal barangay sa lungsod at lalawigan ng Iloilo.
Ito ay kasunod ng walang humpay na pagbuhos ng ulan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Jerry Bionat, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi nito kabilang sa mga bayan na apektado ng pagbaha ay ang Oton, Tigbauan, Miag-ao, Guimbal at San Joaquin.
Sa lungsod naman ng Iloilo, nasira na ang ilang bahay lalo na sa distrito ng Arevalo, Iloilo City Proper at Lapuz.
Sinabi naman ni Ms. Donna Magno, pinuno ng Iloilo City Disaster and Risk Reduction Management Office, na 26 na coastal barangay sa lungsod ang apektado ng habagat.