Naging matagumpay ay sanib-puwersang ikinasang Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, Estados Unidos, Australia, at Japan sa loob ng exclusive economic zone ng ating bansa, partikular na sa West Philippine Sea.
Ito ay nilahukan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM), Australian Defence Force (ADF) and Japan Self-Defense Forces (JSDF).
Dito ay ginamit ng naturang mga bansa ang kanilang mga sasakyang pandagat at panghimpapawid na kinabibilangan ng BRP Gregorio Del Pilar (PS15), AW109 helicopter, BRP Antonio Luna (FF151), AW159 Wildcat ASW helicopter, at BRP Valentin Diaz (PS177) mula sa Philippine Navy; ang USS Mobile at P-8A Poseidon ng United States Navy; ang Royal Australian Navy HMAS Warramunga at Royal Australian Air Force P-8A Poseidon Maritime Patrol Aircraft; gayundin ang JS Akebono from the Japan Maritime Self-Defense Forces.
Kabilang sa mga isinagawa ng mga ito sa naturang MMCA ay ang communication exercise, division tactics o Officer of the Watch maneuver, at photo exercise na pawang idinesenyo para mas paigtingin pa ang abilidad ng naturang mga bansa na magtrabaho at magtulungan ng magkasama sa mga operasyong may kinalaman sa maritime scenarios.
Ayon may AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang naturang aktibidad ay nagpapakita lamang ng commitment ng mga kalahok na bansa sa pagpapatibay at pagpapalakas pa ng regional at international cooperation na bahagi ng kanilang pagsuporta sa isang bukas at malaya na Indo-Pacific sa pamamagiyan ng pagsasagaw ng interoperability exercises sa maritime domain.
Bukod dito ay kumpiyansa rin ang Hukbong Sandatahan na malaki rin ang maitutulong nito sa buong hanay ng kasundaluhan partikular na sa kanilang capability development.