(Update) BAGUIO CITY – Nakilala na ang bankay ng lalaki na natagpuan sa San Pascual, Tuba sa lalawigan ng Benguet nitong nakalipas na Pebrero 12.

-- Advertisement --

Sa kabila nito, inihayag ni Major Dominador de Guzman Jr. hepe ng Tuba Municipal Police Station na hindi pa nila isasapubliko ang impormasyong nakalap nila hinggil sa bangkay habang umuusad ang imbestigasyon.

Sinabi niya na kinilala ng kaanak ng biktima ang lalaki dahil sa mga social media posts ng Tuba MPS.

Sa ngayon ay inaalam pa ng kapulisan kung magtutugma ang impormasyong ibinigay ng pamilya ng bankay sa kanilang rekord.

Una rito, natagpuan ang bangkay ng lalaki sa 15 metrong taas ng bangin sa San Pascual, Tuba kung saan nakita itong nakabalot ang mukha ng masking tape at nakasuot ng blue maong na pantalon, gray na sweatshirt, yellow na underpants, may tattoo sa braso at may tama ang dibdib.

Ito rin ang ikaapat na natagpuang bankay sa Tuba, Benguet ngayong taon.