NAGA CITY – Mangunguna ang binuong komite ng School’s Division Superintendent (SDS) ng Camarines Norte para imbestigahan ang viral video hinggil sa graduation pictorial ng apat na estudyante mula sa Daongon Elementary School sa Daet.

face mask yuck 4

Una nang pinagpieystahan ang video kung saan mapapanood na iisang face mask lamang ang pinagagamit ng kanilang guro.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SDS Camarines Norte Dr. Nympha Guemo, sinabi nito na agad siyang nakipag-ugnayan sa principal ng naturang paaralan at agad pinasumite ng incident report hinggil dito.

Aniya, naging mabilis ang kanilang proseso sa pagsasaayos sa isyu.

Kasabay nito ay tiniyak naman ng DepEd na magiging mahigpit ang kanilang imbestigasyon.

Samantala, nilinaw ni Dr. Guemo na walang nangyaring graduation rites at tanging graduation pictorial lamang ang ginawa ng mga estudyante.