Tukoy na ng PNP ang pagkakakilanlan ng isa sa limang suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo sa Nueva Ecija.

Ayon kay PNP Region 3 regional police director C/Supt. Amador Corpus, mula sa dalawang persons of interest, lima na ngayon ang suspek na tinitignan ng PNP SITG NILO.

Sa pagharap ni Corpus sa mga miyembro ng media sa Camp Crame, kaniyang sinabi na base sa karagdagang CCTV footages na nakuha ng SITG, lumalabas na may tatlo pang lalaki na nakasakay sa motorsiklo malapit sa lugar nang pinangyarihan ng krimen.

Tumanggi naman si Corpus na pangalanan ang suspek dahil ongoing ang kanilang operasyon.

Kanya namang tiniyak na minamadali na nila ang pagresolba sa krimen at patuloy na nangangalap ng ebidensya ang SITG.

Sa ngayon, nananatili sa tatlo ang posibleng motibo sa pagpatay sa pari: away sa lupa, pagtulong ng pari sa biktima ng pangmomolestya, at alitan sa relihiyon.
T