MANILA – Nasa “critical level” na raw ang sitwasyon ng kama ng COVID-19 patients sa intensive care unit (ICU) ng ospital sa National Capital Region (NCR).
Ito ang ibinunyag ng independent group na OCTA Research sa gitna tumataas pang bilang ng COVID-19 cases sa rehiyon.
Batay sa pinakabagong report ng grupo, nasa 71% na ang occupancy rate ng ICU beds ng COVID-19 patients sa mga pagamutan ng Metro Manila.
Ayon sa OCTA, 2% ang ini-akyat ng antas mula sa 69% na occupancy rate noong Lunes.
Habang mula 60% na paggamit ng hospital beds noong Lunes, nasa 61% naman ngayon.
Sakop ng hospital beds ang mga kama sa ward at isolation facility ng ospital.
“The positivity rate (in NCR) was 18 percent over the past 7 days,” ayon sa OCTA.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nag-iikot na ang mga opisyal ng One Hospital Command para makita kung sinusunod ba ng mga pagamutan ang alokasyon sa kama.
Gayundin kung angkop ang mga pasyenteng naka-admit sa pasilidad.
“Based on the assessment done, almost 50% ang naka-admit sa ating mga ospital that are mild and asymptomatic.”
“Isa yan sa strategies ng ating response that if we are having these kind of congestion sa mga ospital, one strategy will be for us to identify facilties where we can transfer (mild and asymptomatic cases) to isolation facilities para ma-decongest ang mga ospital.”
Batay sa pinakahuling COVID-19 situationer ng DOH, as of March 24, 53% ng 2,203 ng ICU COVID-19 beds sa bansa ang okupado.
Sa datos ng OCTA, as of March 25, nangunguna pa rin sa may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID sa NCR ang Brgy. Fort Bonifacio sa Taguig, Brgy. 76 at 183 sa Pasay, Brgy. Pio del Pilar sa Makati, at Brgy. Commonwealth sa Quezon City.