-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Sariling pananaw ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga inihayag tungkol sa kampanya laban sa droga.

Ito ang inihayag ni IBP President Domingo “egon” Cayosa kaugnay ng drug report ni Robredo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Cayosa na hindi dapat kalimutan na kumpara sa nakaraang mga administrasyon ay mas seryoso ngayon ang pangasiwaang Duterte sa kampanya laban sa illegal na droga.

May isyu aniya sa paraan at ang maraming napatay ang patuloy na isyu ngunit dahil sa paninindigan ng ibat ibang sektor laban dito ay humupa at natigil ag mga patayan.

Ayon kay Atty. Cayosa, dapat kilalanin ang mga nagampanan ng pangasiwaang duterte sa illegal na droga at maging bukas din ang pamahalaan sa mga bago at mabisang paraan sa pagsugpo sa suliranin sa ipinagbabawal na gamot.

Dapat din aniyang magtulungan ang mga opisyal ng pamahalaan sa halip na magbangayan.