ILOILO CITY – Hinimok ni Inter-Agency Task Force Deputy Implementer for Visayas General Melquiades Feliciano ang mga Punong Barangay sa lungsod ng Iloilo na makiisa at magdoble-kayod sa COVID-19 response.
Ito ang inihayag ni General Feliciano kasabay ng kanyang pagbisita sa lungsod ng Iloilo, nitong Setyembre 2, kung saan kanyang ipinatawag ang 180 na mga Punong Barangay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Roberto Niño, spokesperson ng Liga ng mga Barangay sa lungsod ng Iloilo, sinabi nito na muling nagpaalala si General Feliciano hinggil sa responsibilidad ng barangay officials kontra COVID-19.
Ayon kay Niño, malaki ang maitutulong ng bawat Punong Barangay sa pagsasagawa ng contact tracing, information dissemination at sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente.
Inihayag ni Niño na kailangang maging aktibo ang Barangay Health Emergency Response Team sa bawat lugar hinggil sa monitoring ng mga suspected COVID-19 patients.
Collective efforts mula barangay hanggang sa national level ang gustong makita ni General Feliciano.