-- Advertisements --

Bumaba na sa Category 3 ang hurricane Erin habang nagbabanta sa Atlantic

Ayon sa National Hurricane Center na mayroong taglay na lakas ng hangin ang bagyo sa 125 miles per hour na nagbabanta sa western Atlantic.

Naging mabilis ang paglakas ng bagyo kung saan nitong Biyernes ay nasa Category 1 pa lamang at naging category 5 ito sa Sabado na may taglay na lakas ng hangin na 160 mph.

Ang Hurricane Erin ay isa sa mga 43 Category 5 hurricane na naitala asa Atlantic.

Bagamat hindi ito direktang mag-landfall ay magdudulot naman ng pag-ulan sa bahagi ng north Puerto Rico.

Naglabas na ang mga otoridad ng flash flood warning dahil sa banta ng bagyo.