-- Advertisements --
Nagpatupad ng mandatory evacuation ang gobyerno ng Jamaica dahil sa banta ng hurricane Melissa.
Ayon sa National Hurricane Center, nasa category 5 na ang nasabing Hurricane Melissa.
Itinuturing din nila na ito na ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taong 2025.
Mayroong taglay na lakas na hangin na 175 miles per hour at kumikilos ng bilis ng hanggang 3 mph
.
Ibinabala din ng gobyerno ng Jamaica ang malawakang pagbaha kay labis ang kanilang ginagawang paghahanda.















