-- Advertisements --
Idineklara ng Malacañang na regular holiday ang Hunyo 6 bilang obserbasyon ng Eid’l Adha.
Laman ng Proclamation 911 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagdeklara ng Hunyo 6 na pagiging regular holiday dahil sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Ang Eid’l Adha ay pangalawang pangunahing kapiyestahan ng Islam kasama ang Eid al-Fitr.
Sa nasabing kapiyestahan ay magtitipon-tipon ang mga Muslim kung saan sabay-sabay silang nagdarasal at kumakain.