-- Advertisements --

Lubos ding nakikidalamhati si Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa naiwang pamilya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sa isang statement, sinabi ng Pampanga solon na ipinaaabot niya ang panalangin para sa naiwang asawa ni FVR na si Amelita “Ming” Ramos at mga anak nito.

Kaisa rin aniya siya sa pagluluksa ng mga Pilipino sa pagpanaw ng aniya’y “greatest Filipino ng 20th century.”

Kinilala rin nito ang dating pangulo bilang haligi ng later-day Philippine democracy at siyang nagpasimula ng pagtahak ng bansa patungo sa globalisasyon gayundin ang pagpapanumbalik nito ng economic competitiveness ng Pilipinas.

Malaki rin aniya ang utang na loob niya kay FVR na siyang founder ng partidong LAKAS na kalaunan ay nag-merge sa KAMPI na partido ni CGMA.

Inalala rin nito ang ibinigay na suporta ni dating Pangulong Ramos sa kanya noong 2004 presidential race pati na sa gitna ng mga coup attempt sa huling bahagi ng kanyang administrasyon.

Dagdag naman ni Arroyo na kasabay ng paglukluksa ay marapat pa ring ipagdiwang ang naging buhay ni FVR at pasalamatan siya hindi lang sa mga nakamit niya para sa bansang Pilipinas ngunit maging sa ipinakita nitong halimbawa ng pagmamahal sa bayan.

“My prayers go to Mrs. Ming Ramos and the Ramos children as I join the Filipino nation in mourning one of the greatest Filipinos of the 20th Century,” ani Rep. Arroyo sa statement. “Personally, I owe much to FVR.”