Ikinalugod ng mga house members ang naging pahayag ng beteranong election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na sinabing unconstitutional na pagsabayin ang plebisito para sa economic charter change at ang 2025 midterm elections.
Ayon kay Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez, Representatives Geraldine Roman ng Bataan, Jeffrey Khonghun ng Zambales, at Franciso Paolo Ortega ng La Union na kanilang wini-welcome ang posisyon ni Macalintal.
Sinabi ni Suarez na siya ay consistent sa kaniang posisyon na hindi talaga dapat isabay ang plebisito sa mid-term elections natin.
Paliwanag ni Suarez, ang kaniyang pananaw ay hindi maaaring haluin ng pulitika ang plebisito at hindi dapat pag-usapan o maging isyu ang Constitution sa midterm election kaya dapat nakabukod ito.
Sa kabilang dako, hiling naman ni rep. Romand sa mga senador na alisin na ang kanilang mga takot na isisingit ng Kamara ang political amendments.
Malinaw din na sinabi ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na economic provisions lamang ang amyendahan.
Inihayag naman ni Rep. Khonghun na mas maganda na ihiwalay na lamang at gawing mas maaga ang plebesito dahil mahirap kung nadadamay sa pulitika ang ating Konstitusyon.