Inihayag ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Manila 3rd District Representative Joel Chua na handa ang silang makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng Ombudsman ukol sa umano’y maling paggamit ng confidential fund ng Office of the Vice Presidente at DEPED sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara Duterte.
Bagamat ikinatuwa ni Chua ang naging aksyon ng Ombudsman bilang pagkilala sa bigat ng nilalaman ng kanilang committee report, maaari aniya na may legal at konstitusyunal na usapin sa naturang hakbang, partikular sa bilis ng proseso at sa katayuan ng Bise Presidente bilang isang impeachable officer.
Sabi ni Chua, kadalasan nagsasagawa muna ng fact-finding investigayon, ngunit sa pagkakataong ito ay nagkasa na agad ng preliminary investigation kahit hindi pa rin nila nailalakip sa ipinadalang committee report ang mga ebidensya mula sa kanilang pag-dinig.
Tinukoy din ni Chua, na isang abogado at miyembro ng prosecution panel ang jurisprudence mula sa Office of the Ombudsman vs. Court of Appeals na dapat muna ma-impeach ang isang impeachable official gaya ng bise presidente bago ito sampahan ng kasong criminal.
Gayonman, hindi naman aniya nila nais pangunahan ang Ombudsman sa magiging hakbang nito.