-- Advertisements --
Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) sa National Capital Region (NCR) ang hotlines na maaarin tawagan ng mga magulang para sa kanilang mga hinaing kaugnay nang pagbubukas ng school year 2020-2021 ngayong Lunes.
Nakahanda aniya ang mga hotlines na ito na sagutin ang anumang katanungan at iba pang kalagayan.
Bago ito ay inanunsyo ng DepEd na naurong ang academic year ngayong taon na magsisimula ngayong Oktubre 5, araw ng Lunes, hanggang Hunyo 11 sa susunod na taon.