-- Advertisements --

Itinanggi ng Department of Justice na kanilang ipinag-utos sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang mga flood control projects sa Taguig City. 

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, nirerespeto nila ang mandato ng NBI na magsagawa ito ng kanilang sariling imbestigasyon. 

Kung kaya’t binigyang diin ng kalihim na ang paglulunsad ng kawanihan ng imbestigasyon ay nakabatay sa mandato nitong dapat tuparin at alinsunod sa kautusan ng Department of Justice sapagkat wala naman aniya silang ipinag-utos. 

Gayunpaman, pagtitiyak ni Justice Sec. Vida na makaseseguro naman umano na nakabase ang isinasagawang pag-iimbestiga sa ebidensya lamang. 

Kasabay sa pagsilip ng kawanihan sa umano’y ghost projects, nag-iimbestiga rin ito patungkol naman sa sinasabing iregularidad ng mga proyekto sa makaraan Southeast Asian Games noong 2019. 

Kabilang sa mga posibleng ipatawag o ipa-subpoena ay si Senator Judge Alan Peter Cayetano para magbigay linaw sa imbestigasyon ayon kay Dir. Melvin Matibag.