Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na ilang ospital sa Lebanon ay maaaring maubusan ng life-saving trauma medical kits sa loob lamang ng ilang araw matapos ang malawakang casualties mula sa patuloy na Israeli strikes.
Ayon kay WHO representative Dr. Abdinasir Abubakar, mabilis na nauubos ang trauma supplies tulad ng bandages, antibiotics, at anesthetics dahil sa biglaang pagdami ng mga sugatan, karamihan ay sibilyan.
Sinabi rin niya na kung may panibagong mass casualty incident, posibleng lumala pa ang krisis sa ospital dahil sa kakulangan ng gamit at gamot.
Dagdag pa ng WHO, pati mga gamot para sa chronic illnesses gaya ng insulin ay posibleng maubos sa mga susunod na linggo dahil sa naputol na supply chains at tumataas na delivery costs.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan ang WHO at Lebanese health authorities para ilipat ang natitirang suplay sa mga ospital, ngunit aminado silang lubhang nahihirapan ang health system sa patuloy na krisis. (report by Bombo Jai)
















