Nakahanda ang House prosecution panel sakaling ipag-utos sa depensa na magpresenta muna ng kanilang ebidensiya para sa threat articles sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House prosecutor Rep. Terry Ridon, may natanggap silang impormasyon na ikinokonsidera ng Senate impeachment court na paunahin ang depensa na agad ipresenta ang kanilang ebidensiya sa ikaapat na artikulo sa halip na antayin ang prosekusyon na tapusin ang pagpresenta ng lahat ng kanilang impeachment articles.
Sa kabila naman ng posibleng pagbabago sa order of proceedings, sinabi ni Ridon na susunod ang prosekusyon sa magiging desisyon ng korte at walang samaan ng loob.
Sa kasalukuyan, nakumpleto na ng prosekusyon ang presentasyon ng kanilang ebidensiya sa ikaapat na artikulo kasunod ng pagtestigo ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag.
Samantala, nakahanda rin aniya ang prosekusyon sa pagtalakay sa sunod na artikulo may kinalaman sa umano’y misuse ng confidential funds ni VP Sara.
















