-- Advertisements --

Inireklamo ng apat na kababaihan ang Oscar-winning actor at Thirty Seconds to Mars frontman na si Jared Leto ng criminal sexual conduct.

Nangyari umano ang mga kaso noong ang mga ito ay nasa kanilang kabataan.

Isa sa mga biktima ang nagsabi na siya ay sexually assaulted ng aktor sa isang motel noong ito ay 17-anyos.

Habang ang isa ay binantaan ng sexual assault noong ito ay 19-anyos pa lamang.

Isang biktima naman ay na-groomed na siya ng aktor noong edad 16 pa lamang kung saan lagi niya itong kausap sa telepono at hinikayat pa niya na makipagtalik sa kaniya at nagpirma pa siya ng non-disclosure agreement (NDA) para hindi siya makapagsalita sa relasyon niya sa aktor.

Aabot sa 10 kababaihan ang nagbigay ng pahayag na sila ay minolestiya ng aktor at nakatakdang magsampa ng kaso.

Ang mga insidente ay nangyari mula 2002 at 2016 kung saan nasa edad 30 at 40 pa ang aktor.

Ang 54-anyos na aktor ay kilala noong 1990 kung nagwagi na ito ng best supporting actor sa 2014 Academy Award sa pelikulang “Dallas Buyers Club”.

Binuo ang kaniyang banda na “Thirty Seconds To Mars” noong 1998 kung saan nagkaroon na sila ng mga tour sa United Kingdom,London at ibang bahagi ng US.