-- Advertisements --

Patuloy ang paghingi ng tulong pinansiyal ang Hospicio de San Jose sa Maynila dahil sa pagtaas ng mga nadapuan ng COVID-19 sa nasabing lugar.

Umaabot na kasi sa 80 COVID-19 cases ang naitala na kinabibilangan ng mga bata at personnel ng Hospicio de San Jose.

Sinabi ni Sister Maria Soccor Pilar Evidente na bumilis ang paglaki ng kaso ngayong buwan pa lamang ng Agosto.

Dagdag pa nito na hindi na nila agad matukoy ang pinagmulan at hindi tulad aniya noong unang naitala ang kaso noong Abril at Hunyo.

Sa nasabing bilang ay dalawa ang nagkaroon ng matinding kaso habang ang 78 na iba pa ay dinala na sa pagamutan.

Isasailalim nama sa testing ang 40 symptomatic na katao na kinabibilangan ng mga senior citizen at bata.

Hanggang nananatili sa ere ang virus ay patuloy pa rin ang ipinapatupad nilang lockdown.

Dahil dito ay nangangailangan sila ng mga cash donations para pakainin ang nasa 450 residente ng prutas at gulay.

Magugunitang noong buwan ng Hunyo ay inilockdown ang nasabing bahay ampunan dahil sa pagpositibo sa COVID-19 ng ilang madre.