-- Advertisements --
Pormal ng inaprubahan ng Hong Kong bilang emergency use ang Sinovac vaccine laban sa COVID-19 ng China.
Ayon kay Hong Kong health secretary Sophia Chan, sisimulan na nila ang pagpapabakuna sa Pebrero 26.
Ang nasabing bakuna aniya ay ligtas, epektibo at de-kalidad.
Inaasahan naman ni secretary of civil service Patrick Nip na darating sa lalong madaling panaho ang ilang mlyong doses ng Sinovac vaccines.
Magbibigay aniya ng pag-asa para makabalik sa normal na buhay ang nasabing bakuna.