-- Advertisements --

Todo ngayong ang paghahanda ng bansang Japan dahil sa mga landslides, pagbaha at matataas na alon na dulot ng typhoon Faxai.

Ayon kay Meteorological agency official Naoji Nakamura, ang malakas na bagyo ay posible raw magdala ng “historic” winds and rain.

Ang bagyo ay mayroong lakas ng hangin na 216 kilometers per hour at malapit na sa Hachijojima island, south ng Tokyo.

Tinatahak nito ang northwest direction sa bilis na 30 kilometers per hour.

Inaasahan itong makakaabot sa coastal areas malapit sa Tokyo ngayong gabi hanggang bukas ng umaga ayon sa meteorological agency ng Japan.

“Please be on full alert against gusts and high waves and be vigilant about landslides, floods and swollen rivers,” base sa stament ng agency.

Meteorological agency official Naoji Nakamura told reporters that “historic” winds and rains may be recorded.

Dahil dito, kinansela na ng Central Japan Railway Company ang operasyon ng kanilang 50 bullet trains na may biyaheng Tokyo papuntang central at western Japanese cities.

Kinansela na rin ang biyahe ng mga ferries sa Tokyo.

Maliban dito, kinansela na rin ng mga airlines companies ang 30 flights habang isasara rin ang ilang acoastal highways sa Kanagawa, west ng Tokyo dahil sa sama ng panahon.