-- Advertisements --
court of appeals

Naniniwala ang Court of Appeals (CA) na “flight risk” ang Rappler CEO na si Maria Ressa kaya hindi nila pinagbigyan ang hirit nitong makabiyahe sa Estados Unidos.

Sa Very Urgent Motion for Permission to Travel Abroad sa CA, nakasaad dito ang pagnanais ni Ressa na pumunta sa United States mula Agosto 1 hanggang 31 para sa serye ng commitment kabilang na ang pagtanggap nito ng award sa naturang bansa.

Kalakip ng kanyang hirit ang itinerary kabilang na ang imbitasyon ng Executive Producer ng Frontline to Travel to Boston, Massachusetts para suportahan ang US Threatrical release ng documentary na A Thousand Cuts.

Nakasaad din sa mosyon ni Ressa na nais niyang tumulak sa Washington DC sa August 23 para sa conferment nito sa National Press Club ng 2020 International Press Freedom Award bilang kanilang Honoree sa August 24.

Dagdag niya, mula Agosto 25 hanggang 18 ay mananatili ito sa Estados Unidos para makipagkita sa ilang katao na nag-imbita sa kanya ngayong buwan.

Ipinangako ni Ressa na babalik sa bansa sa September 18 mula Washington DC at asahan ang kanyang pagdating sa Manila sa September 19.

Pero sa pitong pahinang resolusyon ng CA Special 14th Division na may petsang Agosto 19, 2020, ibinasura nito ang motion to travel ni Ressa dahil umano sa kabiguang patunayan na ang pagbiyahe niya sa labas ng bansa ay kinakailangan at hindi siya flight risk.

Ipinunto ng CA na ang right to travel ay isang constitutional right, mayroon pa rin naman daw restriction dito na nasa ilalim ng batas.

Puwede rin umanong isagawa ang naturang mga event na kasalit si Ressa sa pamamagitan ng video conferencing at iba pang technological applications para magampanan ang kanyang tungkulin bilang media practitioner.

“Premises considered, Maria A. Ressa’s Very Urgent Motion for Permission to Travel Abroad is Denied. In view of Ressa’s failure to prove that her travel to the United States of America is necessary and urgent, there is no basis to grant her motion. Thus, while the Constitution guarantees the freedom of movement, it also recognizes that such liberty is not an absolute right. For instance, a person facing a criminal indictment and provisionally released on bail does not have an unrestricted right to travel because of the necessity of safeguarding the system of justice. “(T)the Office of the Solicitor General successfully demonstrated that Ressa’s intended travel is not necessary and urgent because there are other ways for her to participate in the theatrical release and panel discussions of the documentary “A Thousand Cuts.” Indeed, video conferencing and other technological applicatioons may allow her to fulfill her duties as a media practitioner. In fact, she utilized such modes in the past when she accommodated foreign interviews and joined international conferences even after the court a quo had convicted her of cyberlibel. Verily, Ressa may still participate in the theatrical release and panel discussions of the documentary “A Thousand Cuts” without leave the Philippines,” base sa resolusyon ng CA.

Una rito, naghain si Ressa ng Notice of Appeal sa CA matapos nitong almahan ang guilty verdict ng Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa kanya at dating researcher at writer Reynaldo Santos Jr. dahil sa sa cyberlibel.

Ang apela ni Ressa at Santos na na-docket bilang CA GR. No. 44991 ay kasunod ng desisyon ni Manila RTCBranch 46 Judge Rainelda Estacio-Montesa na nilabag ng dalawa ang Republic Act (RA) 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act” dahil sa pagdawit nila sa negosyanteng si Wilfredo Keng sa serye umano ng krimen kabilang na ang human at drug trafficking.

Ito ay nailathala  noong 2012.

Sa desisyon ni Montesa noong June 15, 2020 hinatulan nitong makulong ang dalawa ng anim na buwan hanggang anim na taon.

Pinagbabayad din ang mga ito ng tig-P200,000 kay Keng bilang moral at exemplary damages. 

Pero malaya pa rin naman ang dalawa matapos magpiyansa.

Sa Manila RTC ruling, ipinunto nitong defamatory ang artikulo ng Rappler at lumikha ito ng hindi magandang reputasyon kay Keng ng mga ordinary readers.

Taong 2017 nang nagsampa ng kaso si Keng laban kay Ressa at Santos.

Nakasaad dito na ipinahiram daw ni Keng kay dating Chief Justice Renato Corona ang kanyang sports utility vehicle.

Sinabi rin ni Santos na base sa intelligence report under surveillance daw si Keng ng National Security Council dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking at narcotics trade.

Sa naturang intelligence report inakusahan nito si Keng na siyang utak sa pagpatay kay Manila Councilor Chika Go noong 2002.

Maliban dito, sangkot din daw ang negosyante sa pag-smuggle ng mga pekeng brand ng sigarilyo at nagkaloob din ng special investor’s visa nang libre sa ilang Chinese.

Sa isinagawang trial, iprinisinta naman ng prosecution ang dalawang sulat mula sa Philippine Drug Agency (PDEA) na may petsang Agosto 15, 2016 at May 20, 2019.

Nakasaad ditong wala namang nakabinbing drug case si Keng sa korte.

Sinabi rin ng prosecution na maging ang National Bureau of Investigation attested (NBI) ay pinatunayan noong 2019 na walang criminal record si Keng.

Ipinunto pa ng RTC sa kanilang desisyon na hindi inilabas ng Rappler ang side ni Keng.

Naghain noon si Keng ng kaso limang taon matapos lumabas ang artikulo na lagpas na sa one-year prescription period para sa legal redress dahil wala naman daw nakasaad na prescription period ang cybercrime law para sa cyberliber.

Iginiit naman ng Department of Justice (DoJ) ang lesser-known RA 3326 para i-extend ang prescription period sa 12 years.

Ang RA 3326 ay ipinatupad noong September 2012, apat na buwan matapos ang publication ng naturang article. 

Pero sa desisyon ng DoJ, ang batas ay applicable pa rin sa kaso dahil muling nai-publish ang artikulo noong epektibo na ang naturang batas.