-- Advertisements --

Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi kasama ang supply ng COVID-19 vaccine sa Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) na pinasok ng pamahalaan kasama ang American firm na Pfizer.

Ayon kay Vergeire, ang naging pag-uusap sa CDA ay initial negotiation sa pagitan ng gobyerno at Pfizer para makita umano ng bansa ang mga dokumento at pag-aralan ang kanilang profile.

Wala pa raw ito sa stage na magkakaroon ang Pilipinas ng doses ng bakuna sa oras na lagdaan ito.

Ang pinag-uusapan aniya sa nasabing kasunduan ay kung paano maibibigay ng Pfizer ang kanilang impormasyon para mapag-aralan ng pamahalaan.

Pagtatanggol ni Vergeire na ginawa ng DOH ang lahat ng dapat nilang gawin para tiyakin na nasa takdang oras ang pag-submit ng CDA sa Pfizer.

Bago pa raw kasi nila ito pirmahan ay kailangan munang dumaan ng mga dokumento sa mga abogado. Hindi lang aniya DOH ang kausap ng nasabing kumpanya ngunit pari na rin ang Department of Science and Technology (DOST) at Office of the Executive Secretary.

Una nang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na matapos reviewhin ng leagl team ng healt department ang mga dokumento ay agad itong nilagdaan noong Oktubre.

Hanggang ngayon aniya ay nagpapatuloy pa rin ang negosasyon ng Pilipinas sa Pfizer para makakuha ang bansa ng bakuna.