-- Advertisements --

Dinakip ng mga awtoridad sa California ang 28 anyos na Pinoy at US green card holder na si Mark Lorenzo Villanueva dahil umano sa pagpapadala ng pera sa mga indibidwal na konektado sa teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Nahaharap siya sa kasong tangkang pagbibigay ng suporta sa isang banyagang teroristang organisasyon, na may parusang hanggang 20 taong pagkakakulong.

Ayon sa US Department of Justice (DOJ), nagpadala umano si Villanueva ng higit $1,600 sa loob ng limang buwan sa intermediaries o mga tagapamagitan na konektado sa ISIS, at inihayag ang kagustuhang lumaban at mamatay para sa grupo.

Natagpuan din umano ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang isang bagay na kahawig ng bomba sa kanyang kwarto.

During the search, the FBI’s Joint Terrorism Task Force recovered a bomb allegedly from Mark Villanueva’s home.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakasubaybay ito sa kaso at handang magbigay ng angkop na legal na tulong para kay Villanueva.