-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Prince William ang British royal family sa alegasyon ng kapatid na si Prince Harry at asawang Meghan na sila ay racist.

Sinabi nito na hindi racist ang kanilang pamilya gaya ng naging pahayag ng Duchess of Sussex.

Isinagawa nito ang pahayag ng bumisita si William sa multi-racial school sa eastern London.

Dagdag pa ng Duke of Cambridge na hindi pa sila nag-usap ng kapatid na si Harry matapos ang kontrobersyal na panayam ni Oprah Winfrey.

Interesado aniya itong kausapin ang kapatid para maliwanagan ang insidente.

Magugunitang inakuasahan ni Meghan Markle ang royal family na racist matapos na hindi nila kinikilala ang anak nila ni Prince Harry dahil sa ibang kulay nito.