Pinaghihinay-hinay ng ilang senador ang mga opisyal ng gobyerno sa pagpapaliban ng pasok ng mga estudyante para sa school year 2020-2021.
Sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Franklin Drlon, inusisa nito kay Senate committee on basic education chairman Sen. Sherwin “Win” Gatchalian kung may kasalukuyang batas na maaaring malabag sa pagdedeklarang ibabalik lamang ang klase kapag may gamot na sa COVID-19.
Ayon kay Drilon, kailangang maplantsa muna ang mga batas bago magkaroon ng pinal na pasya ukol sa pasukan ng mga bata.
Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nakasaad sa Section III ng Republic Act No. 7797 na maaaring gawin ang pagbubukas ng klase mula sa unang araw ng Hunyo hanggang huling araw ng Agosto.
Anumang pagbabago rito ay kailangan umanong magkaroon ng legal na basehan.