-- Advertisements --

Magsasagawa kilos protesta ang grupong Alliance of Concern Teachers (ACT) sa araw ng Biyernes, Oktubre 3.

Isasabay ng grupo ang protesta sa “World Teachers Day” kung saan tatawagin nila itong day of protest laban sa kurapsyon.

Ayon kay ACT Chairperson Vladimer Quetua., na mag-mamartsa sila sa Mendiola para ipanawagan ang pagtaas ng budget ng Department of Education, makabuluhang pagtaas ng sahod ng mga guro at ang paglaban sa malawakang kurapsyon.

Mahalaga aniya na marinig ng gobyerno ang mga hinaing ng mga guro lalo na ngayong nalantad ang mga malawakang kurapsyon sa gobyerno.