-- Advertisements --
Mahigit P400,000 pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Bulacan Police Provincial Office sa isinagawang buy-bust operation sa San Jose del Monte.
Ayon kay Bulacan Police Provincial Director Colonel Lawrence Cajipe, nahuli sa operasyon si Roel Pasiola na kalaunan ay kinilalang si Mario Mañago at kabilang sa PNP-PDEA Unified watch list.
Nahuli ang suspek matapos mabilhan ng droga ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Narekober ng pulisya ang 23 medium sized heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na 60 gramo.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.