Positibo pa ring makakabawi sa revenue loss ang general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahit malaki na raw ang lugi ng mga paliparan mula nang ipinatupad ng pamahalaan na enhanced community quarantine (ECQ) noong buwan ng Marso.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, sa pinakahuling data nila noong April 30, mahigit P1 billion na ang lugi ng mga paliparan dahil pa rin sa direktiba ng pamahalaan na kanselahin ang mga flights sa bansa.
Dahil dito, nanawagan na rin si Monreal sa mga kababayan na sundin ang protocol para manumbalik na sa normal na sitwasyon at muling sisigla ang ating ekonomiya.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin naman umano ang pagsunod ng MIAA sa payo ng mga ekperto kaya naman nasa 10 flights lamang ang pinapayagan araw-araw mula sa dating 768 at suspendio ang mga inbound flights.
Noong Mayo 3 nang suspendehin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inbound international flights sa loob ng isang linggo.
Ang mga pinapayagan lamang sa ngayon na magkaroon ng flights ay ang mga cargo flights, medical flights, utility flights at maintenance flights.