-- Advertisements --
PNP RECRUITS
PNP RECRUITS/ PNP FB IMAGE

Nasa 9,451 police recruits ang nakapasa at pasok bilang Patrolman sa 2019 recruitment ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP OIC Lt.Gen Archie Gamboa, ang mga nakapasa ay mula sa 38,357 aplikante na prinoseso ng iba’t ibang Police Regional Offices at National Support units.

Sa bilang na ito 7,546 lalaki at 1,905 ang babae.

Nanumpa na ang mga ito sa ranggong Patrolman na may basic monthly salary na P29,668.00 bukod pa sa iba pang benepisyo.

PLTGEN ARCHIE FRANCISCO GAMBOA
PLTGEN ARCHIE FRANCISCO GAMBOA/ PNP FB

Ang mga bagong Patrolman candidates ay sasailalim sa anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) sa National Police Training Institute (NPTI) at karagdagang anim na buwang Field Training Program bago sila ibabalik sa kanilang mga mother units para sa full duty status.

Ang mga nasabing recruits ay bahagi ng 10,000 taunang quota para sa PNP para punuan ang mga bakante at bagong-bukas na posisyon.

Ang hindi na fill-up na 549 slots, ay ipinagkaloob na sa NCRPO, para makapagrecruit ng karagdagang mga pulis para sa Metro Manila.