-- Advertisements --
Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 37,800 doses ng Sputniv V vaccine mula Russia.
Alas-9:42 ng gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang Korean Air flight (KE623) lulan ang mga bakuna kontra COVID-19.
Kagabi, dumating din sa Pilipnas ang kabuuang 132,200 doses ng Sputnik V vaccine.
Magugunita na noong Mayo 1 lang dumating sa bansa ang unang batcfh ng 15,000 Sputnik V vaccin doses, na sinundan ng isa pang 15,000 doses noon namang Mayo 12, 50,000 doses noong Mayo 30, at 100,000 naman noong Hunyo 11.
Ayon sa Department of Health, 4.5 percent o katumbas ng 3.2 million ng 70 million target population ang nabakunahan na kontra COVID-19.
















