-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na sisimula na nilang manghuli ng mga gumagamit ng improvised plate number sa Setyembre 1.
Ayon kay LTO chief Markus Lacanilao, na naglabas na ito ng kautusan na nag-aatas sa mga LTO offices na paghuli sa mga gumagamit ng mga pekeng plaka at ginagaya ang kanilang plaka.
Inihalimbawa ng opisyal ang talamak na bentahan ng mga pekeng plate numbers ng mga sasakyan.
Giit nito na wala silang binibigyan ng otorisasyon para gumawa ng mga pekeng plaka.
Binalaan nito ang mga lalabag na kanilang mga sasakyan ay ma-iimpound sakaling masita.
Sakaling nawala ang mga plaka ay dapat kumuha ang may-ari ng affidavit of loss para mabigyan ito ng “authorization” na gumamit improvised plate.















