Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang 324 Chinese nationals na nahuling sangkot sa cyber crimes at iba pang illegal activities sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga banyaga ay naaresto ng BI Intelligence Division katuwang ang militar at Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Naaktuhan umano ang mga Chinese sa walong hotels at establishments kung saan nila isinasagawa ang iligal na aktibidad.
Sa inisyal na report, lumalabas na karamihan sa mga banyaga ay overstaying at undocumented sa bansa.
Sa isinagawang raid na pinangunahan ni BI Intelligence Officers Jude Hinolan at Charlie Bautista, nakumpiska ng mga ito ang daan-daang laptops, cellular phones at gadgets.
Sinabi naman ni BI Acting Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr. na isinagawa ang operasyon dahil na rin sa mga natanggp nilang report na maraming Chinese nationals ang nagtatrabaho sa lugar na walang kaukulang dokumento.